-- Advertisements --
Maantala ng dalawang linggo ang paggawa ng pelikulang “Mission: Impossible” sa Britain matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang crew ng pelikula.
Hindi naman binanggit ng Paramount Pictures, ang movie studio kung ilan ang nahawaan ng nasabing virus.
Ipagpapatuloy na lamang nila ang nasabing paggawa ng “Mission: Impossible 7” hanggang sa Hunyo 14.
Ang pelikulang pinagbibidahan ni Tom Cruise ay inaasahan ipapalabas sa Mayo 2022.
Una ng nakansela ang shooting nito noong Pebrero 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.