Pinag-aaralan na ng Toll Regulation Board (TRB) kung magkano ang halaga ng diskwento na kanilang ipapataw sa toll fee ng mga motoristang apektado ng Skyway extension project.

Ikinadismaya ni TRB board member Raymundo Junia ang hindi pagsipot ng San Miguel Corporation (SMC) Tollways sa ipinatawag nilang meeting noong nakaraang linggo.

Ang naturang kompanya kasi ang operator ng parehong Skyway at South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Junia, malinaw na walang balak ang SMC Tollways na panagutan ang kalbaryong dinaranas ng mga motorista dahil sa proyekto.

Kaya bilang tugon ay TRB na raw mismo ang kikilos para maging patas sa mga apektadong motorista ang pasakit ng matinding traffic.