EJ Obiena
EJ Obiena

Naghahanap na ng paraan sina Tokyo Olympic qualifiers EJ Obiena at ilang mga atleta ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) para ipagpatuloy ang kanilang ensayo kahit na apektado ang kanilang schedule dahil sa banta ng coronavirus.

Ilan sa naiisip nila ng kaniyang Ukrainian coach na si Vitali Petrov ay ang pag-ensayo sa Chula Vista sa California at sa Europe.

Magiging unang Filipino kasi si Obiena na na-qualify sa 2020 Tokyo Olympics matapos ang tagumpay nito sa South East Asian Games.

Nakatakda sana itong lumahok sa Asian Indoor Championship at sa World Indoor sa buwan ng Marso sa China subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa COVID-19.