-- Advertisements --

Sinimulan na ng gobyerno ng Tokyo, Japan ang pagbibigay ng mga partnership certificate scheme para sa mga same-sex couple.

Ang hakbang na ito ay pagpayag sa kanila na sila ay tratuhin bilang mag-asawa ng publiko.

Marami namang umaasa na maipatupad din ito sa buong Japan.

Sa kasalukuyan kasi, tanging ang Japan sa G7 group of develop nations ang hindi kumikilala sa pagsasama ng parehas na kasarian.

Base rin kasi sa isinagawang survey noong 2021 ay mayroong 57 percent na mga residente ng Japan ang pabor sa parehas na pagsasama habang 37 percent ang komokontra.