Patuloy ang pamamayagpag sa PBA Philippine Cup ng TNT Tropang Giga matapos na talunin ang Blackwater 109-96.

Dahil dito ay hawak ng TNT ang solong puwesto na mayroong limang panalo at walang talo sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Bumida sa panalo ng TNT si Roger Pogoy na mayroong 20 points, pitong rebounds, apat na assists at tatlong steals habang mayroong 17 points at 12 rebounds si Troy Rosario.

Ayon kay TNT head coach Bong Ravena, na marami pa rin silang mga babaguhin lalo na ang kanilang depensa.

Pinasalamatan din nito dahil sa nakapagpahinga si Jayson Castro na hindi naglaro dahil sa injury.