-- Advertisements --
Hawak na ng TNT Tropang Giga ang 2-1 na kalamanga sa best of seven 2021 PBA Philippine Cup semifinals nila ng San Miguel Beermen.
Tinambakan kasi ng TNT ang Beermen 115-98 sa laro na ginanap sa Pampanga.
Pinangunahan ni RR Pogoy ang panalo ng TNT na nagtala ng 26 points, tatlong assists at apat na steals.
Nag-ambag din ng 20 points si Mikey Williams habang mayroong 21 points at 13 rebounds na may tatlong steals si Poy Erram.