-- Advertisements --

Tinalo ng TNT Tropang Giga ang NLEX 100-85 sa 2021 PBA Philippine Cup na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Hawak ng NLEX ang kalamangan 49-47 sa pagtatapos ng unang quarter hanggang nakabawi ang TNT.

Sinabi ni TNT head coach Chot Reyes na sinamantala nila ang pagkapagod ng NLEX sa pagkatalo sa dalawang overtime game sa Magnolia 112-105.

Nanguna sa panalo ng TNT ang rookie player na si Mikey Williams na nagtala 36 points, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals.