-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nilinaw ng lokal na gobyerno ng Cotabato City na hindi pa kumpirmado na nag positibo na ang isang PUI sa kanilang syudad matapos umanong makitaan ng sintomas ng COVID 19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Executive Secretary to the Mayor ng Cotabato City Aniceto Rasalan, pinahayag nito na hinihintay pa nila sa ngayon ang resulta galing sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM kung ano ang totoong sakit ng nasabing pasyente.

Ibinahagi rin nito na mayroong travel history ang PUI sa bansang Malaysia kung saan dumalo umano ito roon ng isang convention at umuwi lamang noong nakaraang Marso 4.

Nalaman na naka close contact umano ng nasabing PUI ang bago lamang namatay na pasyente sa Cagayan De Oro makaraang nakasama rin ito sa nasabing convention.

Aniya, bilang precautionary measure nagpatupad ang alkalde ng nasabing syudad ng lockdown kung saan temporaryo muna nilang hindi pinahihintulutan ang mga pampubliko at pribadong sasakyan na pumasok sa Cotabato City.

Sa ngayon, mas hinigpitan pa nila ang mga checkpoints at pag dessiminate ng impormasyon sa kanilang mamayan bilang tugon sa patuloy na banta ng COVID 19.