Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na nasusunod ng tama ng mga train system sa bansa ang panuntunan sa disinfection para maiwasan ang posibilidad na pagkalat ng pandemic na COVID-19.
Sa online post ng kagawaran, makikita ang Philippine National Railways (PNR) na nag-deploy ng mga tauhan para maglinis at mag-disinfect sa mga train sets. Mula sa upuan, sahig at mga handrails.
Pareho rin daw ang ginagawang hakbang ng Light Rail Transit (LRT). Sa kanilang Line 2 na na-biyahe mula Recto hanggang Araneta-Cubao, ay may disinfection team na naglilinis ng tren.
Nakasuot sila ng full protective gears at nagdi-disinfect ng train sets kada tapos ng isang biyahe.
Samantalang ang Metro Rail Transit (MRT-3) na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ay may istilo namang paglilinis ng mga tren sa loob lang ng limang minuto.
Noong June 1 nang buksan ng Department of Transportation ang operasyon ng mga tren, kasabay ng pagsisimula ng general community quarantine sa Metro Manila.