Inihayag ng United Nations na tinatayang 300-K na mga indibidwal ang naapektuhan ng malakas a lindol sa Morocco.
Umakyat na rin sa mahigit 2,100 ang bilang ng nasawi sa naganap na lindol.
Ayon sa mga awtoridad, kabuuang 2,122 na ang nasawi at naitala rin ang 2,421 na mga indibidwal na malubhang sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing lugar.
Niyanig kasi ng magnitude 6.8 na lindol ang Morocco noong Biyernes ng gabi na agad na nakapinsala sa libu-libong tao at daan daang mga gusali.
Kaugnay niyan, nagpapatuloy naman ang pagbuhos ng tulong mula sa iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo para sa mga residente sa Morocco.
Sa ngayon, nagsasagawa pa rin ang mga awtoridad ng malawakang search and rescue operation sa mga biktimang apektado ng naturang magnitude 6.8 na lindol.