Pinatay ng mga pinaghihinalaang militante ang hindi bababa sa 30 sibilyan sa isang pagsalakay sa nayon sa northeastern ng Ituri province ng Democratic Republic of Congo.
Kinumpirma ng tagapagsalita ng Army na si Jules Ngongo Tshikudi ang pag-atake sa Banyali Kilo na isang distrito sa Ituri, ngunit hindi nagbigay ng kabuuang bilang ng mga namatay.
Aniya, nagsasagawa pa din kasi ang mga awrotidad ng search and rescue operation.
Ayon naman sa pangulo ng lokal na civil society na si Charite Banza, sinunog ng mga militante ang ilang bahay, ninakaw ang ari-arian at pinatay ang humigit-kumulang 30 katao.
Sinabi ng mga residente na ang mga miyembro ng grupong CODECO ay ang isa sa ilang dosenang mga armadong militia na nag-destabilize sa makapal na kagubatan sa silangang teritoryo ng Congo.
Kung matatandaan, idineklara ng gobyerno ang state of siege sa Ituri at kalapit na lalawigan ng North Kivu noong 2021, sa pagtatangkang pigilan ang talamak na karahasan ng militia sa malawak na silangan na mayaman sa mineral ngunit ang mga pagpatay at aktibidad ng mga rebelde sa Congo ay hindi nagpakita ng anumang senyales ng paghina o pagbaba ng krimen.