-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan si Patrolman Jayric Talosig ng City of Ilagan Police Station na tinaguriang hero cop matapos nitong sagipin ang isang SK chairman sa gitna ng malakas na agos ng tubig noong kasagsagan ng malakawang pagbaha sa Marana 2nd, Lungsod ng Ilagan.

floods cauayan Ulysses isabela

Sa pangunguna ni B/Gen Crizaldo Nieves, regional director ng Police Regional Office (PRO2), iginawad kay Talosig sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City ang nasabing medalya bilang simbolo ng kabayanihan at tapat na pagbibigay serbisyo sa publiko.

Sa eksklusibong naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Patrolman Talosig, hindi siya nagdalawang isip na suungin ang baha at itaya ang sariling buhay upang mailigtas lamang ang naaanod na SK chairman.

Aniya, hinding-hindi niya tatalikuran ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa publiko bilang isang pulis.

Paalala nito sa mga Ilagueno na sumunod sa mga utos ng mga kinuuukulan lalo na sa panahon ng mga sakuna upang makaiwas sa anumang disgrasya.

Kaugnay nito ay iginawad naman ang Medalya ng Kasanayan kay Pat. Bryan Bangayan matapos nitong tulungang manganak ang isang ginang sa Barangay Bagay Tuguegarao City, Cagayan.