Sinibak ng Minnesota Timberwolves ang kanilang head coach dahil sa mababang Western Conference standing.

Inanunsiyo ng koponan ang pagtanggal nila kay Ryan Saunders ng matalo sila sa New York Knicks.

-- Advertisement --

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong record kasi ang Timberwolves na pitong panalo at 24 talo.

Hindi naman inanunsiyo ng koponan kung sino ang papalit kay Saunders.