Naniwala si United States President Joe Biden na masisimulan lamang ang talakayan hinggil sa tigil-putukan sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamasa sa oras na mapalaya na ang lahat ng mga hostage na hawak ngayon ng naturang militanteng grupo.
Ito ang ipinahayag ni US President kasunod ng mga tanong sa kaniya kung suportado niya ba ang “hostages-for-ceasefire” deal sa pagitan ng dalawang panig.
Ang kaniyang komento ay kasunod ng pagpapalaya ng Hamas sa dalawa pa nitong mga babaeng hostage na dinukot mula sa Israel.
Bagay na malugod naman ng winelcome ng Estados Unidos kasabay ng pangako ni US National Security Advisor Jake Sullivan na patuloy nilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang ma-secure ang pagpapalaya sa lahat ng mga natitirang hostage sa Gaza.
Kung maalala, batay sa pinakahuling ulat ng Israel ay umabot na sa 222 katao ang bilang ng mga bihag ngayon ng Hamas, habang libo-libong mga indibidwal na rin ang namatay mula nang umatake ito sa Israel noong Oktubre 7, 2023.