Umatras na sa pagsali sa Players Championship sa susunod na linggo si US golf star Tiger Woods dahil sa injury sa kaniyang likod.

Sinabi nito na ayaw niyang ipilit na maglaro kahit ito ay mayroong injury.

Labis itong nalulungkot dahil sa hindi pagsali sa nasabing torneo.

Mula pa noong tatlong linggo na ang nakakaraan ay hindi na nakapaglaro ang 15-time major winner sa Genesis Invitational.
Maraming mga golf fans ang duda kung maidedepensa pa nito ang kaniyang Masters title dahil sa injury.

Noong nakaraang Agosto ay apat na beses itong inoperahan sa likod at sa tuhod.

Nanalo ito sa Players Championship noong 2001 at 2013.