Reading Time: 1 minute

Balak ni US President Donald Trump na gawaran ng Presidential Medal of Freedom si US golf star Tiger Woods.

Ang nasabing award ay siyang pinakamataas na pagkilala sa isang sibilyan sa United States.

Ilan sa mga nabigyan ng nasabing pagkilala ay sina basketball legends Michael Jordan, Kareem Abdul-Jabbar, Pope John Paul II,Bob Hope at maraming iba pa.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng pagkapanalo ni Woods ng Masters Open matapos ang 11 taon.

Naging malapit ang US President at si Tiger kung saan kasama itong naglaro ng golf noong Pebrero sa Trump Naitonal Golf Club sa Jupiter, Florida.