Pursigido pa rin si American boxer Keith Thurman na makaharap muli si Manny Pacquiao.

Sinabi nito na nakahanda na siya sa muling pagharap sa fighting senator.

Magiging sulit aniya ang rematch at ito ay kakagatin ng maraming mga boxing fans.

Magugunitang tinalo ni Pacquiao si Thurman sa pamamagitan ng split decision sa laban nila noong July 2019.

Kung sakaling hindi sila makapagharap ay may mga ilang nakalistang boksingero na nakahanay gaya nina Shawn Porter, Mikey Garcia, Danny Garcia at Errol Spence.