pacquiao thurman2
Pacquiao vs Thurman

Nagyabang din si Freddie Roach sa sitwasyon ngayon ni Senator Manny Pacquiao mahigit dalawang linggo bago ang big fight.

Ayon sa Hall of Famer coach, pambihira ang ipinakitang performance ni Pacman sa kanilang mga ensayo lalo na sa edad nito na 40-anyos.

Kampante pa na idineklara ng beteranong trainer na si Manny ang mananaig sa kanilang laban sa Las Vegas.

Sa ngayon ayon pa kay Roach, abanse na ang eight division world champion sa mga betting odds o pustahan mula sa dating pagiging underdog.

roach pacquiao

Tinawag pa niya na “unbelievable” at hindi nagbago ang bilis ng fighting senator.

Kaya naman nangantiyaw pa si Roach, kung ikukumpara raw kay Pacquiao si Thurman daw ay mistulang catsup ang kabagalan nito.