-- Advertisements --
Plano ng the Netherlands na gayahin ang US at Germany na magpadala rin ng mga Patriot missile systems sa Ukraine.
Ayon kay Dutch Prime Minister Mark Rutte na mahalaga ang nasabing kagamitan para labanan ng Ukraine ang Russia.
Nasa US kasi si Rutte at nakipagpulong kay President Joe Biden.
Dagdag pa nito na dapat mapanagot ang Russia sa ginawa nitong pagsira sa mga gusali sa Ukraine na ikinasawi rin ng mga inosenteng buhay.
Pinasalamatan naman ni Biden ang Dutch Prime Minister dahil sa pagbibigay ng tulong militar sa Ukraine.