Dinomina ng Netflix drama na “The Crown” at ang comedy na “Ted Lasso” ang Emmy Awards.

Nakuha ng “The Crown” ang best drama series award at apat na acting awards para sa mga bida na sina Gilian Anderson, Olivia Colman, Josh O’Connor at Tobias Menzies.

-- Advertisement --

Labis na pasasalamat ni Colman sa panalo na siyang gumanap bilang Queen Elizabeth II.

Gumanap naman si Anderson bilang si Margarteh Thatcher habang si Menzies bilang Duke of Edinburgh at si O’Connor bilang Prince Charles.

Ginanap ang 73rd Primetime Emmy Award sa Los Angeles.

Karamihang mga nominees ay personal na dumalo habang ang mga British nominees ay sa hiwalay na hub sa London sila dumalo.

Tinangal na best limited series actress si Kate Winslet sa pagganap nito sa Mare of Easttown habang best actor si Ewan McGregor sa series na Halstson.