The Cranberries
Cranberries/ IG post

Naglabas ng huling album ang Irish band na The Cranberries.

Ang pang-walong studio album na “In The End” ay isang uri ng tribute sa kanilang pumanaw na lead vocalist na si Dolores O’Riordan.

Nagsimulang gawin ang album noon pang 2017 kung saan ang mga kanta na laman nito ay nilikha ng kanilang gitaristang si Neil Hogan at O’Riordan.

Binubuo ang banda ng kanilang drummer na si Mike Hogan, drummer Fergal Lawler, Hogan at O’Riordan.

Magugunitang natagpuang patay sa kaniyang kuwarto sa London hotel si O’Riordan noong Enero 2018 dahil sa alcohol intoxication.

-- Advertisement --