Nakapagtala na ang Thailand ng kanilang unang local cases ng coronavirus variant na natuklasan sa South Africa.
Natuklasan ito kasunod nang pagsusuri na ginawa sa tatlong test samples mula sa cluster ng infections na maaring maiuugnay sa illegal migration sa timog ng bahagi ng bansa.
Nakasaad sa report ng COVID-19 Network Investigations Alliance na ang variant na ito ay maaring makaapekto sa immunity response ng tao laban sa virus.
Maari rin aniyang mapababa ng variant na ito ang effectiveness ng bakuna, pero hindi naman ito nangangahulugan na hindi gumagana ang mga COVID-19 vaccines.
Ang kailangan lamang aniya na gawin sa ngayon ay taasan ang ratio ng populasyon na nababakunahan.
Nabatid na unang natuklasan ang South African variant sa Thailan noong Pebrero 15 sa isang lalaki na bumiyahe mula sa Tanzania.