torch sea games davao seag
SEA Games ceremonial torch relay in Davao City (file photo Bombo Davao)

SUBIC – Hindi raw maiwasang mapa-wow ng foreign coach ng Thailand ng kanyang matunghayan ang mga ginagawa ng Pilipinas sa hosting ng SEA Games.

Ayon kay Rita Hendes dayuhang coach ng team Thailand napansin na nito pagdating pa lang kung gaano kaganda ang ginawang preparasyon ng Pilipinas sa pagho-host.

Aniya, kung titingnan ang Pilipinas ay mahirap ihanda ang ganitong kalaking event pero nagawa pa rin daw kung kaya’t hangang hanga ito.

Samantala, ayon sa coach hindi naman daw ito magdadalawang isip na bumisita mula sa Pilipinas kahit walang sporting events.