-- Advertisements --
Hindi pa maituturing ng pugante si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. kahit na naideklara na ito bilang terorista ng The Anti-Terrorism Council (ATC).
Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano , na wala pang nailalabas na warrant of arrest laban kay teves at mga kasamahan nito na kasamang naideklara bilang terorista.
Paglilinaw nito na dahil sa pagkadelklara sa kaniya ay otomatiko ng ipapa-freeze ng Anti-Money Laundering Council ang mga assets ni Teves.
Maguguntiang idineklara si Teves at 11 iba pa na terorista dahil sa pagpatay kay governor Ruel Degamo.