Plano ng Technical Education and Skills Development Authority na pagtuunan ang Technical Vocational ang Education Training (TVET) program sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto John Bertiz III, ito ay dahil na rin sa lumalaking demand o pangangailangan ng mga skilled workers sa ibang bansa, lalo na sa sektor ng Information and Digital Technologies.
Maging sa sektor ng Kalusugan aniya ay tumataas din ang demand.
Ayon kay Bertiz III, nais nilang magpokus sa cybersecurity, robotics, at healthcare, sa nasabing plano.
Katwiran ng opisyal, kailangang samantalahin ng TESDA ang pagtaas sa pangangailangan ng mga skilled workers sa ilalim ng mga naturang sektor dahil sa tiyak na mailalaan ang maraming trabaho para sa mga skilled Filipino workers sa ilalim ng mga ito.
Pagtitiyak ng opisyal na lilinangin nila ang kakayahan ng mga Pinoy skilled workers upang maihanay sa mga pangangailangan, lalo na sa ibang bansa.