Inirekominda ni House Committee on Games and Amusement sa TESDA na magkaroon ng programa para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa panayam kay ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap, ang chairman ng komite, sinabi nitong sa halip na mga Chinese nationals ay mga Pilipino na lang dapat ang kuning empleyado sa POGO inudstry.

Iginiit ni Yap na win-win solution ito sapagkat magsisilbi itong alternatibo sa pagtatrabaho abroad at makakatipid din ang mga employer dahil sa hindi na gagasgos pa ng mga tutuluyang bahay ng mga dayuhang empleyado nito sa Pilipinas.

Ang maaring gawin aniya ng TESDA ay turuan ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa POGO industry ng Mandarin.

Masipag at madali naman aniyang maturuan ang mga Pilipino lalo na kung may magandang oportunidad at malaking pasahod.