Wala raw balak magpaputi si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez at proud na proud umano ito sa kanyang kulay.

Dahil sa napapanahong pag-sikat sa bansa ng mga skin whitening products sinabi ng aktres na hindi raw naka depende sa skin color ng isang tao ang kagandahan nito.

“Yun ang itsurang Pilipina ‘di ba? Ipakita mo na confident ka, kahit anong kulay mo. Whatever color you have you’re gonna be beautiful. It doesn’t realy matter,” ani ng dalaga.

Dagdag pa nito na masaya na siya sa kanyang hitsura at wala siyang gustog baguhin sa kanyang sarili.

Nagbigay naman si Teresita ng tips at advice para sa mga candidates ng Binibining Pilipinas 2019.

Payo ng dalaga, mag-enjoy lamang daw ang mga kandidata dahil hindi naman ito isang “popularity contest.”

“It’s how you present yourself, kung paano ka sa stage, and makikita yun kapag hindi ka nage-enjoy e.” dagdag pa ni Teresita.

Sumali si Teresita sa Binibining Pilipinas beauty pageant noong 2015, taon na nanalo si Pia Wurtzbach bilang si Miss Universe.

Noong 2017, sumali ito ng Miss World Philippines pageant at naiuwi ang titulong Reina Hispanoamericana Philippines at naging kauna-unahang Pilipina na kinoronahan ng Reina Hispanoamericana.