20211127 terrafirma dyip
-- Advertisements --
20211127 terrafirma dyip

Matapos walisin ang lahat ng kalaban at manguna sa Pool A ay pasok na sa quarterfinal ng PBA 3×3 third leg ang Terrafima Dyip.

Una rito, pinataob ng Dyip ang Batang Pier sa score na 21-11 at iposte ang standing na 3-0.

Hindi pa rin nakasama sa laro ng Terrafirma si Roider Cabrera na nasa ospital matapos mag-collapse noong Miyerkules matapos ang kanilang panalo kontra Meralco sa score na 22-18.

Sumunod na pinahiya ng koponan ang Pioneer Pro Tibay, 17-14.

Pumapangalawa naman sa Pool A ang Bolts (2-1) at pangatlo ang Pioneer (2-2) habang pang-apat naman ang Batang Pier (1-2).

-- Advertisement --