-- Advertisements --

Nakatakdang ipasubasta ni Barangay Ginebra star LA Tenorio ang ilang gamit nito para makalikom ng pondo at makatulong sa mga pamilyang mahihirap at mga frontliners ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

PBA

Nakahanay ngayon na ipapasubasta nito ang kaniyang custom Air Force 1 sneakers.

Ang nasabing auction ay bahagi ng Off-Court Action: Auction For A Cause campaign na pinangunahan ni PBA star Paul Lee at talent manager nito na si Stanley Santos.

Magsisimula sa halagang P10,000 ang starting bid sa Marvel superhero Iron Man na sapatos ni Tenorio na siya ring kaniyang palayaw sa PBA.

Matatapos ang bidding sa nasabing sapatos ng hanggang Abril 28.

Bukod kay Tenorio ay sumama rin sina Troy Rosario, Kiefer Ravena, Scottie Thompson at Ranidel De Ocampo ang nag-auction ng kanilang basketball jersey.