-- Advertisements --
image 220

Doble kayod daw sa ngayon ang mga local telecommunications companies (telcos) para maibalik na ang serbisyo sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Sa abiso ng ilang malalaking telco companies sa bansa ay fully restored na rin ang kanilang mga linya sa ilang lugar sa bansa.

Kabialng na rito ang Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Zambales, Rizal, and Quezon kabilang na ang Polillo Group of Islands at Metro Manila.

Halos na-restore na rin daww ang kanilang serbisyo sa Nueva Ecija na labis ding naapektuhan ng bagyo.

Ang isa pang telco ay nagsabing mayroon lamang daw minimal network disruption sa kanilang linya na posibleng nagresulta ng “quality issues” sa ilang lugar.

Hindi naman daw mabigat ang epekto ng naturang bagyo at minimal lamang ang napaulat na disruptions.

Pero patuloy pa rin umanong imo-monitor ng kanilang command center ang sitwasyon sa ground.