ROXAS CITY – Arestado ang isang teenager sa ikinasang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Capiz Police Provincial Office (CPPO) sa Katipunan Village, Barangay Lawaan, Roxas City.

Kinilala ang naaresto na si Sandrex Warren Salazar, 19, residente ng Barangay Lagdungan, Tapaz, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Mark Anthony Garcia, team leader ng PDEU, sinabi nito na narekober sa suspek ang 16 na sachets ng shabu, P500 na buy bust money, boodle money at cellphone.

Matagal umano nilang isinailalim sa monitoring ang suspek bago ikinasa ang naturang operasyon.

Nabatid na napatigil sa kaniyang pag-aaral ang suspek dahil sa kaniyang pagtutulak ng ilegal na droga.

Sa ngayon ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.