-- Advertisements --

Matapos ang halos isang linggong “misyon” sa Cebu kaugnay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, nakauwi na sa Baguio City si Mayor Benjamin Magalong.

Sa official Facebook page ng 59-year-old Baguio City mayor, nakasaad na kasama nitong umuwi ang buong contact tracing team at pawang “negative” ang resulta sa COVID test.

Magalong back in Baguio 3

Nitong Martes nang magtungo sa Cebu ang mga bumubuo sa contact tracing effort ng Baguio City government sa pangunguna ng retired police general upang ibahagi ang kanilang kaalaman sa coronavirus hotspot Cebu City.

Ito’y dahil sa hindi na umano nadagdagan ang 17 active COVID cases sa Baguio.

Una nang inilagay uli ng Inter Agency Task Force sa ECQ (enhanced community quarantine) ang Cebu City hanggang Hulyo 15.