BAGUIO CITY – Naghahanda na ang delegado ng City of Pines o Baguio City na makikibahagi sa Batang Pinoy 2019.

Ayon kay Baguio Sports and Recreation Division Head Gaudencio Gonzales, isasagawa ang kompetisyon sa Agosto 25 hanggang 31 ng kasalukuyang taon sa Puerto Princesa, Palawan.

Umaasa ang opisyal na makakamit ng Team-Baguio ang titulo sa overall tournament.

Inihayag pa ni Gonzales na nananabik na ang mga atleta at coaches ng lunsod na pumunta sa Puerto Princesa dahil hindi lang ang makipaglaro ang kanilang tunguhin kundi ang mamasyal na rin sa mga tanyag na tourist spots sa Puerto Princesa, Palawan.