Bibigyan ng Taguig ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge na kung saan maari silang magpahinga, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo na sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro.

Binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig sa isang seremonya noong ika-17 ng Oktubre 2019.

Naglalaman ng entertainment area, lounge, pantry and conference room ang nasabing pasilidad.

Kasunod nito ay bubuksan ang pangalawang Teacher’s Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) na matatagpuan sa Ususan.

Binabalak rin patayuan ng City Hall ang mga natitirang pampublikong paaralan sa darating na Enero 2020. Magkakaroon ng kanya-kanyang Teacher’s Lounge ang bawat 26 na paaralang elementarya at 10 high school na matatagpuan sa Taguig.

Ang nasabing inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 principal at mahigit kumulang 4,156 na guro, o higit pa dahil sa tumataas na oportunidad para sa mga guro sa sistema ng pampublikong paaralan dito sa Taguig.

“We recognize that our self-sacrificing teachers need a reprieve from their immense workload,” wika ni Mayor Lino Cayetano. “The Teachers’ Lounge is a space where they can eat, unwind, bond with each other and conduct meetings. Above all else, it will raise their morale, help them destress, promote dialogue and build a sense of belonging.”

Layon ng nasabing programa na tumugon sa mas malaking pangangailangan ng mga guro, na mas mapabuti at mabigyan ng mas kapakipakinabang na mga pasalidad ang mga estudyante at mga guro; at isulong ang kadalasan ay nakakalimutan na, ang kapakanan ng mga guro, pagpapaliwanag nito.

“Our buildings have to be relevant, resilient and responsive, yes. But we often forget to include our teachers. They have to always be an integral part of our plans if we are to further improve education in Taguig.”

Kasama din sa naging seremonya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga lingkod bayan ng Taguig.

Babagay ang Teachers’ Lounge sa ilang highlight ng sistema ng pampublikong paaralan ng Division of Taguig and Pateros, na kilala bilang unang naging pang-13 sa ranggo ng National Achievement Tests sa National Capital Region hanggang sa manguna sa pangkalahatan para sa Grade 6 at Fourth Year high school sa loob lamang ng limang taon, sa pagitan ng 2010 at 2015.

Kilala rin ang Taguig sa pag-iipon ng sarili nitong educational fund, kaya naman hindi nakaasa ang pondo ng kanilang mga programa sa Department of Education at Department of Public Works and Highways.

Sa parehong adyenda ng mas maayos na imprastruktura, kamakailan ay natapos ng Taguig ang konstruksyon ng apat na palapag at pitong palapag na mga gusali sa ESVES, isang annex para sa Tipas Elementary School, DANES, at isang apat na palapag na gusali sa Kapt. Eddie Reyes Integrated School sa Pinagsama.

Kasalukuyang nagtatayo ng pitong palapag na mga gusali sa RP Cruz sa Bicutan at EC Santos sa Wawa. Sa Hagonoy, ilang school buildings ang itatayo sa CP Tinga Elementary School. Gayundin ang Upper Bicutan Elementary School na magkakaroon rin ng mga bagong school building.

Partikular para sa kapakanan ng mga guro, may mga ongoing program na na sinisiguro ang kahalagahan ng mga tagapagtaguyod ng edukasyon.

Ipinapadala ang mga guro sa mga pagsasanay, workshops at mga kompetisyon hanggang sa internasyonal na lebel.

Ang Leadership and Educators Advancement and Development Program ay nagbibigay ng mga scholarship para sa mga kawani ng pampubliko at pribadong paaralan; at kasalukuyang nagsasagawa ng mas malalim na pag-aaral upang mapalawak ang mga kasalukuyang programa.

Dagdag pa rito, lahat ng mga classroom ay air-conditioned para sa mga guro at mag-aaral. Isinasagawa rin ang Computer Assisted Learning sa lahat ng paaralan, na humahamon sa mga guro na paghusayin pa ang kanilang kasanayan sa mga pinagsamang kaalaman. Mayroon ring Mac Labs ang Science at Integrated Schools.

“The lounges are for the well-being and quality of life of our teachers. This is to better care for one of our most precious partners in developing the young minds of our children,” wika ni Mayor Cayetano. “This redounds to the interest of the child, ultimately. A happy, content teacher is always a step in the right direction.”