-- Advertisements --

Inalmahan ng grupong Teachers Dignity Coalition (TDC) ang banta ng Commission on Elections na mahaharap sa kaso ang ilang mga guro na umatras na magsilbi sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Sinabi ni TDC chairman Benjo Basas, na mayroong sapat na kadahilanan ang mga guro kaya sila umatras na magsilbi sa halalan.

Ilan aniya sa mga dahilan kaya umatras ang ilang mga guro ay inalala lamang nila ang kanilang kaligtasan.

Magugunitang sinabi ng Comelec na mayroong 2,500 na mga guro ang umatras sa pagsisilbi sa katatapos na halalan dahil sa na rin sa iba’t-ibang mga kadahilanan.