-- Advertisements --

Hinamon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buksan na nito ang usaping pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at tugunan ang ugat ng kahirapan sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes, July, 22.

Sinabi ni Castro, sa dalawang taon ng Marcos administration, nahaharap parin sa kahirapan ang sambayanang Filipino.

Binigyang-diin ni Castro, ang kahalagahan ng pagbabalik muli ng usaping pangkapayapaan upang tugunan ang ang ugat ng hindi pagkakaunawaan at kahirapan.

Ayon sa Makabayan bloc lawmaker malayo na sana ang narating ng peace talks sa pagitan ng GRP at NDF kung saan nakatakda na sana itong lumagda sa isang Comprehensive Agreement on Social Economic Reform (CASER) subalit tinapos ito unilaterally ni dating Pang. Rodrigo Duterte nuong November 2017.

Hinimok din ni Castro ang Presidente na magpatupad ng mga game-changing measures para tumaas ang educational system sa bansa.

Hinikayat din ni Castro si Pang. Marcos na gamitin ang SONA bilang oportunidad patungo sa isang peaceful resolution,meaningful socio-economic reforms, at substantial improvements sa education sector.