DAVAO CITY – Pursigido ang pulisya na sampahan ng kaso ang isang guro na nagbiro umano tungkol sa bomba habang nasa isang restaurant sa Davao City.

Kinilala ng San Pedro PNP ang guro na si Marilou Abunda, 25.

Batay sa ulat, nagbiro si Abunda na mayroon siyang eksplosibo sa bag habang iniinspeksyon ito ng guwardiya habang siya’y papasok ng establisyemento.

Dahil dito, ilang customer umano ang nagpanic, dahilan para magpatawag ng pulis ang may-ari ng restaurant.