LA UNION – Nanawagan sa Bombo Radyo La Union ang isang teacher sa sinumang nakapulot sa kanyang pouch bag na isauli ang mahahalagang Identification Cards (IDs) at mga dokumento na nilalaman nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Teacher Rowlyn Ordinario, 37, may asawa, residente ng Barangay Catbangen, sinabi nito na posibleng nahulog ang kanyang pouch nang pauwi sila para mananghalian.

Sinabi nito na ang kanyang black pouch ay naglalaman ng umano’y P10,000 kabilang na ang dalawang iPhone, mga IDs at pertinenteng dokumento.

Aniya, ibinibigay na niya ang naturang halaga bilang pabuya dahil ang mahalaga aniya ay maibalik ang kanyang mga IDs at cards.