Reading Time: 1 minute

KORONADAL CITY- Emosyunal na ipinahayag ni South Cotabato Provincial Hospital Chief of Hospital Conrado Braña na nagboluntaryo itong tumayong guardian ng ilang menor de edad na kabilang sa 34 na biktima ng family outing tragedy sa Barangay Lamsalome, Tboli, South Cotabato.

Napag-alaman na bago i-admit sa ospital ang mga pasyente lalo na ang mga menor de edad ay kailangang may parents consent ang mga ito upang maisailalim sa operasyon o anumang gamutan.

Ngunit sa kasamaang palad ay karamihan sa mga menor de edad na survivors ang namatayan ng mga magulang kaya siya ang pumirma para sa mga ito.

Samantala, nakatakdang dalhin sa Davao City ang driver ng forward truck na si Rodel Rabara dahil comatosed ito habang brain dead naman ang batang lalaking si Randave Ayupan na nag-iisang survivor sa kanilang pamilya.

Nabatid na 20 ang dead on the spot, 14 ang sugatan sa pagkahulog ng forward truck sa nabanggit na barangay matapos ang family outing sa General Santos City.