-- Advertisements --
Nagbigay bilang ng aabot sa P3.11 milyon bilang donasyon si US pop star Taylor Swift sa ina na nasangkot sa aksidente.
Ayon sa online fundraiser, nagbigay ang singer ng nasa $50,000 sa inang si Ashley Taunton na nagtamo ng matinding sugat matapos na iligtas nito ang isang biktima sa aksidente.
Nangyari ang insidente noong Hulyo 18 kung saan habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Ashley ay nakasalubong niya ang isang aksidente sa kalsada.
Agad ito ng huminto at tinulungan ang isang teenager na naipit sa loob ng sasakyan.
Habang tinutulungan nito ang biktima ay mayroong isa pang sasakyan ang bigla na lamang bumangga sa kanya.
Dahil dito ay nagtamo ito ng matinding pinsala at kinailangan pang sumailalim sa tatlong operasyon sa katawan.















