swift

Inanunsiyo ni Taylor Swift na makakasama ito sa Glastonbury festival 2020.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang Twitter account kung saan agad namang sinangayunan ito at festival organizer na si Emily Eavis.

Inanunsiyo rin ni festival founder Michael Eavis ang nasabing pagsali ni Swift.

Magugunitang una ng inanunsiyo ng festival organizer na makakasama sina Paul McCartney at Diana Ross.

Gaganapin ang nasabing festival mula Hunyo 24 hanggang 28.