-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US popstar Taylor Swift ang paglabas niya ng ika-12 album.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng anunsiyo ng pre-order ng kaniyang album na “The Life of a Showgirl”.
Mayroong naka-display na imahe ng CD at cassette tapes na may glittery orange lock kung saan sa mga susunod na araw ay malalaman ang artwork nito.
Bagamat hindi pa nito sinabi kung kailan ang paglabas ng album ay maipapadala ang mga pre-order na album bago ang Oktubre 13.
Magugunitang naging matagumpay ang 35-anyos na singer sa kaniyang Eras tour na nagtapos noong nakaraang taon.