-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si Taylor Swift sa kaniyang mga fans dahil hindi ito kasamang magtanghal sa half-time show ng Super Bowl.
Maraming mga fans kasi ang nagkagulo matapos na magpahapyaw ang Super Bowl organizer sa posibleng pagsama sa singer.
Nakakontrata kasi ang singer sa isang brand ng softdrink na ibang brand din ang sponsor ng Super Bowl.
Magugunitang inaabangang ng maraming football fans ang halftime show na nagtatanghal ang mga sikat na singer.
Nitong Enero kasi ay napili ang mga sikat na rapper gaya nina Eminem, 50 cents, Mary J Blige, Dr. Dre, at Kendrick Lamar na siyang humakot ng maraming viewers.