-- Advertisements --

Humirit ng pansamantalang tax suspension si Senate President Pro Tempore Ralph Recto para sa mga pampribadong paaralan at ospital dahil sa coronavirus pandemic.

Sa pagtatanong ng mga mambabatas kay Senate Ways and Means Committee chairperson Pia Cayetano, na siya ring sponsor ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, natanong ni Recto kung papaano nagbabayad ng tax ang mga nasabing private institutions.

Nais ni Recto na suspendihin muna ang tax collection para sa mga ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Dapat aniyang hayaan muna na maka-recover sila bago magbayad ulit.

Ayon naman kay Hontiveros, ang bawat propriety edication institutions ay may special tax rate na 10% at gayundin ang mga propriety hospital.

Batay sa Department of Education (DepEd), nasa 800 pampribadong paaralan sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operasyon dahil sa pagsadsad ng ekonomiya dulot ng COVID-19.

Dagdag pa ni Recto, malaki ang maitutulong ng tax bvreak na ito sa mga nasabing institusyon upang ayusin at pagandahin pa ang kanilang mga pasilidad at kagamitan.

Dapat din umanong pansamantalang itigil ang taxes sa mga imports, binebentang mga gamot at medical equipments.

Sumang-ayon naman sa suhestyong ito si Cayetano subalit kakailanganin pa umano ng Department of Finance (DOF) na i-compute ang mga nawalang revenues.