CENTRAL MINDANAO- Patay sa pamamaril ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Homidie Kadto,27 anyos,may asawa,nakatalaga sa MILF national guard division at residente ng Purok 1 Brgy Kadingilan Midsayap North Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel John Miredel Calinga na habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Poblacion 8 sa bayan ng Midsayap ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan din ng motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Personal na atraso o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan