Ang Northeasterly Surface Windflow at localized thunderstorms ay makakaapekto sa bandang parte ng Luzon samantalang kalat kalat na pag ulan naman ang dala ng Low Pressure Area (LPA) sa parte ng Visayas at Mindanao ngayong Black Saturday.
Ang Batanes, Cagayan, Isabela at Apayao ay magkakaroon ng makulimlim na langit at posibleng pag ulan.
Asahan rin ang flash floods at landslides dahil sa moderate to heavy rains sa nasabing lugar na apektado ng Northeasterly Surface Windflow.
Samantala, ang Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Surigao del Norte, and Dinagat Islands ay magakakaroon rin ng makulimlim na kalangitan at mayroong posibleng kalat kalat na pag ulan dala ng Low Pressure Area.
Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas rin ng posibleng pag ulan bunsod parin ng LPA at localized thurderstorms.