Nananatiling nakataas sa alert level ang tatlong bulkan sa buong bansa.
Batay sa report ng Phivolcs, kinabibilangan ito ng Mayon, mula sa Bicol Region, Taal mula sa Region-4A, at ang Bulkang kanlaon mula sa Visayas.
Sa kasalukuyan, nananarili sa Alert level 3 ang Bulkang Mayon dahil sa Magmatic Unrest.
Kapwa nasa ilalim naman ng Alert Level 1 ang bulkang Taal at Kanlaon.
Ang taal ay nakitaan ng pagbaba ng aktibidad, kasama na ang Bulkang kanlaon, sa mga nakalipas na mga araw.
Patuloy pa ring pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga residenteng malapit sa bisinidad ng tatlong nabanggit na bulkan, na manatiling aktibo sa mga paabiso ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, kaugnay sa nagpapatuloy na monitoring sa aktibidad ng mga nabanggit na bulkan.