-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Bumuo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Italy ng Task Force on COVID-19 dahil apektado na rin sila ng nasabing sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nonieta Adena, head ng task force on COVID-19 at Vice President ng OFW Watch sa Italy, sinabi nitong na nakakabahala na ang pagkalat ng COVID-19 sa Italy.

Ito aniya ang dahilan kung bakit binuo nila ang naturang samahan upang sa gayon ay mas mapadali ang pagbibigay ng imporasyon sa mga kapwa OFWs hinggil sa naturang sakit.

Sa pamamagitan din nito ay mapapadali rin aniya ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga kababayan na apektado ng COVID-19.