Nanguna sina Angel Locsin, Maine Mendoza, at Bianca Gonzalez, sa mga artistang ipinahayag sa social media ang pagkondena kay Police Senior Master Sergeant Jonel Nuesca.

Ito’y kaugnay pa rin sa walang awa nitong pagpaslang sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio matapos magtalo sa “boga” o uri ng improvised noisemaker.

Nagkakaisa ang mga nasabing celebrity sa pagsasabing hindi makatao ang nagawa ni Nuesca lalo’t dapat ay ito pa nga ang magsilbing buting halimbawa sa publiko.

Sa panig ni Vice Ganda, bumalik ang kanyang trauma sa masamang sinapit ng kanyang ama na hindi raw nabigyan ng hustisya matapos binaril at isinakay sa jeep na para bang isang hayop.

VGanda or Tarlac shooting

Taong 2016 nang ibunyag ng TV host/comedian na teenager pa lamang siya noong barilin sa labas lang ng kanilang bahay ang kanyang ama at hindi pa rin naaaresto ang mga suspek.