Inirekominda ni Magsaka party-list Rep. Argel Cabatbat na itaas ang taripa na ipinapataw sa mga inaangkat na bigas.
Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa negatibong epekto ng Rice Tariffication Law sa mga lokal na magsasaka tulad na lamang ng pagbasak ng presyo ng palay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cabatbat, sinabi nito na batay sa mga pag-aaral ay dapat itaas sa 70 percent ang taripa sa rice imports mula sa kasalukuyang 35 percent na itinatakda ng Rice Tariffication Law.
Ito ay para matulungan na rin aniya ang mga magsasaka na makalaban ang mga lokal na magsasaka dahil ang cost of production sa Pilipinas ay P12 samantala ang sa Vietnam at Thailand ay naglalaro lamang sa P6 hanggang P8.
“So talagang pagka bumaha dito ang bigas nila, talagang babagsak ang
presyo ng palay kaya talagang kailangan itaas natin ang tariff,” ani
Cabatbat.
Sa oras na maitaas ang taripa ng mga rice imports, naniniwala ang kongresista na hindi naman ito maiuuwi sa pagbilis uli ng inflation o sa food crisis.
“Hindi kami naniniwaa na magdidiretso ito sa inflation dahil kaunti lamang talaga ang kailangan nating i-import. Hindi naman talaga dapat tayo mag import ng ganyan karami. nag-over react tayo doon sa rice crisis noong 2018 kaya gumawa tayong mali naman ang batas. Kami hindi naniniwala na magkaroon ng shortage,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda na isa ang pagtataas ng taripa sa mga rice imports ang maaring gawing hakbang para maibsan ang negatibong epekto ng RTL.